Sat. Sep 14th, 2024

📷AJ Raval

 

ISINUSUMPA ni Jeric Raval na apo niya ang dalagitang kasamang naglalakad ng magkasintahang AJ Raval at Aljur Abrenica kamakailan–hindi love child ng couple.

Matatandaang iniulat namin dito ang tungkol sa batang babae who the couple was walking along with, galing sa opening ng branch ng isang aesthetic in  company in Subic na kapwa nilang ineendorso.

Wala pang sagot ang magnobyo tungkol sa pagkakakilanlan ng dalagita.

Mismong ang ama na ni AJ, ang action star na si Jeric clarified the issue on her behalf.

To begin with, AJ is one of Jeric’s 18 kids with different women. At ang batang babaeng kahawak-kamay ni AJ ay isa sa 14 niyang mga apo, sired by his son Ace na isang rapper.

Truth be told, isang “myth” lang ang tsikang a child was born to AJ and Jeric: “Hindi nga sila nagli-live in, eh! Sa akin nakatira si AJ!”

Inakala kasi ng marami na kaya nanahimik na si AJ sa showbiz ay tuluyan na siyang iginarahe ni Aljur.

Pero ang totoo, AJ had to quit showbiz in pursuit of her studies. Sa pamamagitan ng ALS o Alternative Learning System itinawid ni AJ ang kanyang pag-aaral.

Bukod dito, Jeric hastened to add: “Ayun, tinamad! Ayaw nang mag-artista! Ako naman, sinusuportahan ko kung ano’ng gusto niya although ‘yung pagpapaseksi niya noon, ayoko. Basta kung saan siya masaya!”

Samantala, in a separate interview ay nahingan si AJ ng reaksyon tungkol sa isyu ng kanyang pagbubuntis that doesn’t seem to die down.

“Yearly na lang, buntis ako!”

Tulad ng kanyang ama who has a total of 18 kids, ito rin ba ang hinahabol na “quota” ni AJ?

Ni isa nga, wala pa, ‘no! Hellooo! (RONNIE CARRASCO III)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *