Mon. Sep 16th, 2024

HYPOTHETICAL as it seems ay sinagot din ni AJ Raval ang tanong sa kanya ni Julius Babao in the latter’s vlog interview.

Ginamit ni Julius na basis ang nauna niyang panayam kay Jeric Raval, ama ni AJ, tungkol sa naging makulay na buhay-pag-ibig nito.

What if–God forbid–Aljur Abrenica cheats on her, as in bukod sa kanya’y may iba pang babae ang kanyang nobyo?

“Siguro, pag nangyari ‘yon sisisihin ko ang sarili ko. Saan ako nagkulang? Hindi ba ako maayos na partner? Nagger ba ako?” AJ replied.

Take note that instead of heaping the blame on the man na nakuha na ngang magluko’t saktan siya ay iniisip ni AJ na baka siya pa itong may diperensya.

Isn’t this such an admirable trait, ‘yun nga lang ay parang too good to be true?

But whether she actually meant it or not, AJ honestly believes she doesn’t see it coming–based on the dynamics of their relationship.

Kung ganito naman ang nobya mo, no man will even dare look at girls.

How lucky can Aljur get! Harinawang hindi mangyaring “like hilaw na father-in-law, like hilaw na son-in-law”! (RONNIE CARRASCO III)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *