Sun. Nov 24th, 2024
Dating Pangulong Rodrigo Duterte

IKINANTA ng warden ng Davao penal colony na si Bureau of Corrections Supt. Gerardo Padilla si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang utak sa pagpatay sa tatlong convicted Chinese drug traffickers noong Agosto 2016.

Inamin ni Padillasa pagdinig ng quad committee ng Mababang Kapulungan na si noo’y deputy chief ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) police Lt. Col. Royina Garma ang tumawag sa kanya hinggil sa operasyon ng pagpaslang sa tatlong Chinese drug convicts sa loob.

Kombinsido si Padilla na si Duterte ang nag-utos kay Garma na isakatuparan ang” pag-eliminate” sa kanila batay sa tugon niya sa tanong ni Zambales 1st District  Rep. Jefferson Khonghun.

“Perhaps it is, your honor, because Duterte was elected mayor of Davao City back then and Garma was the deputy CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) and station commander of a police precinct in the city,”  sagot ni Padilla kay Khonghun.

Kinompirma rin niya na si Garma ang opisyal na itinalaga ni Duterte bilang pinuno ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

“Did Garma mean that they will be killing somebody?” tanong ni Khonghun hinggil sap ag-uusap sa cell phone nina Garma at Padilla hinggil sa planong pagpatay sa tatlong Chine drug convicts.

Batay sa salaysay ni Padilla, sa cell phone ng isang detenido tumawag si Garma para abisuhan siya sa operasyon laban sa tatlong Chinese drug convicts at sinabihan siyang huwag makialam upang hindi madamay ang kanyang pamilya.

Habang sa tanong ni Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante, chairman of the House committee on human rights, kung si Duterte ang tinukoy ni Padilla na “bigger person” na nag-utos kay Garma, kinomporma ito ng BuCor official.

“I am not implicating Garma, but she is handled by her superior,” ani Padilla said.

Tinukoy ni Padilla si Duterte bilang “superior” ni Garma. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *