Wed. Sep 18th, 2024

USO ang pagdaraos ng magarbong birthday party ng mga politiko at maging ng kanilang mahal sa buhay nitong mga nakaraang araw.

Naging kontrobersyal ang marangyang birthday party ng Bossing ng Bayan Mo sa isang five-star hotel dahil ‘inarkila’ ng kanyang mga BFF ang serbisyo ng isang foreign pop rock band.

Pero lingid sa kaalaman ng publiko, nagdiwang rin ng kanyang kaarawan, halos kasabay ng Bossing ng Bayan Mo ,ang kabiyak ng isang solon sa 5-star hotel sa Roxas Blvd.

Todo ang indak ng mga matronang panauhin lalo na ang hipag ni Mayora Punter sa saliw ng kantang “I’m So Excited.”

“Mistulang nagmamartsa na lang ang lola mo kung sumayaw, dala na rin siguro ng edad, naka-rubber shoes na nga sa halip na dancing shoes, pero aliw na aliw siya sa paikot-ikot nila ng dance instructor,” chika ng ‘Chismosang May Diamond Ring.’

Habang si Mayora Punter nama’y tila balisa ng gabing iyon.

Hindi raw kasi  siya makakuha ng tiyempo para makasibat sa kanyang ti-par.

Kating-kati na raw ang kanyang mga daliri para magpindot sa pinakamamahal niyang slot machine sa bago niyang tambayan sa isang bagong hotel sa Quezon City.

May ilang taon na ang nakakaraan, nagpatayo ng rehabilitation center ang mister ni Mayora Punter sa isang siyudad sa hilagang bahagi ng Metro Manila pero walang nakalagak na drug addict dito .

“Pinagkakitaan lang raw ng solon ang konstruksyon ng rehab center at pinang-sipsip sa drug war ng Lolo Gongdi nyo pero ang problema sa illegal drugs sa kanyang  erya, napakalaki pa rin hanggang sa ngayon,” lahad pa ng Chismosang May Diamond Ring.

Kaya ang suhestiyon ng mga nakapaligid sa kanila, gawin na lang itong rehab center ng mga sugarol at siguradong buwena manong mga pasyenteng maa-admit dito ay buong pamilya ni solon na addict sa casino.

CLUE:

Suki raw ng bagong hotel-casino sa Quezon City si Mayora Punter at dalawa niyang julalay na babae.

At kitang-kita naman ang ebidensya sa kanilang mga mata na halos isang kilo na ang eye bags.

Tsk tsk tsk sa halip na maging role model ng kanyang asawa, anak, manugang at hipag  si Mayora Punter, siya pa ang promotor ng pagsusugal sa casino, saan mang panig ng mundo sila mapadpad na mag-anak.

Hindi raw nakikitang kasalanan ng pamilyang ito ang kanilang bisyong magnakaw sa kaban ng bayan at isugal ito dahil maraming naka-abito silang kaalyado.

“Kaya ba silang ipadrino ng mga naka-abitong kaalyado sa kabilang buhay kapag edna este end of the world na?”

‘Yun na!

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *