KUNG gaano raw kaamo ang pagmumukha ng isang opisyal ng Palasyo, ganoon naman karumi ang kanyang pagkatao.
Marami ang tumaas ang kilay na nabola ng opisyal ang Bossing ng Bayan Mo para maitalaga siya sa isang sensitibong posisyon kahit mantsado ang kanyang track record ng mga kabulastugan sa kababaihan.
“Si Sec Manyakol hindi halatang nag-iwan ng mga kasong sexual harassment sa mga pinanggalingan niyang tanggapan kasi bait-baitan kapag kaharap ang media,” nanggigigil na chika ng Chismosang Feminista.
Isang alagad daw ng “Anak ng Diyos” ang nabiktima ni Sec Manyakol at maging sa pinagmulan niyang opisina kung saan siya sumikat, may mga reklamo rin laban sa kanya nang pambabastos sa kababaihan.
“Alam kaya ito ng Lab of My Life ng Bossing ng Bayan Mo?” sabat ng miron sa Arlegui.
Pinagkatiwalaan pala dati ng “Anak ng Diyos” si Sec Manyakol na ikasa ang extension ng kanyang kaharian na mga camera at mikropono ang pinagagana para sa kanyang palsipikadong propaganda, at para bansagan na mga komunista ang mga hindi naniniwala sa mga kawalanghiyaan nila ng patron niyang minumura ang diyos.
Nauto rin daw ni Sec Manyakol ang isang ex-mambabatas na dating nasangkot sa pag-aaklas, at may kalakihan din ang kanyang kinita sa ex- putschist.
“Allegations of sexual harassment cannot be swept under the rug forever. They will keep on hounding Sec Manyakol and others, including those who maintain paramours, whether in-house or in their attached offices,” paliwanag ng Chismosang pa-Intellectual.
CLUE:
Marami pa raw mga ‘kalat’ na iniwan ni Sec Manyakol sa iba’t ibang opisina ang nahalukay at isisiwalat ng mga batikang researcher ng Las Chismosas.
“Ayaw ko ng mga ala-Chambang impormasyon ang dadalhin sa akin,” utos ng dekano ng Las Chismosas.
‘Yun na!