Mon. Nov 25th, 2024

HINIMOK ng Kalipunan ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (KATRIBU) ang Commission on Elections na kagyat na idiskuwalipika ang Epanaw Sambayanan Partylist dahil prente ito ng National Task Forces to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC)  at walang karapatang maging kinatawan ng Indigenous Peoples

Sinabi ni Beverly Longid, National Convener ng KATRIBU, ang mga nominado ng Epanaw Sambayanan na sina Lorraine Badoy, Jeffrey Celiz, at Atty. Marlon Bosantog ay kilalang mga pusakal na red-taggers at iniuugnay sa karahasan ng estado kaya’t hindi dapat payagan ng Comelec na gamitin ang partylist system sa kanilang agenda.

“The nominees of Epanaw have no rightful claim to represent Indigenous Peoples. Their reckless red-tagging has endangered the lives of IP leaders, organizations, and communities. In 2022, the electoral watchdog Kontra Daya identified Epanaw as one of the NTF-ELCAC-backed partylists. The partylist system exists to provide a voice for marginalized and vulnerable sectors, not to serve as an extension of state repression, which is what NTF-ELCAC—represented by Bosantog, Badoy, and Celiz—embodies” sabi ni Longid.

Sinabi ni Longid na ang mga komunidad ng Isnag na apektado ng Kabugao dams sa Apayao ay idineklarang persona non grata si Bosantog dahil sa kanyang mapanlinlang na pagpapadali sa proseso ng Free, Prior, and Informed Consent (FPIC).

Habang sina Badoy at Celiz ay hindi mula sa Indigenous Peoples pero nagyayabang silang maging tagapagsalita ng mga komunidad na hindi nila kinabibilangan at hindi nila nauunawaan.

“The Isnag communities affected by the Kabugao dams in Apayao have already declared Bosantog persona non grata for his fraudulent facilitation of the Free, Prior, and Informed Consent (FPIC) process. Badoy and Celiz are not even Indigenous Peoples, yet they arrogantly seek to speak on behalf of communities they neither belong to nor understand. COMELEC must not allow these individuals to further misrepresent and exploit Indigenous Peoples,” giit ni Longid.

Ang mga aksyon ni Bosantog, kasama sina Badoy at Celiz, ay higit aniyang nagtatampok hindi lamang sa kawalan ng pagiging lehitimo ni Epanaw sa pagkatawan sa mga Katutubo kundi nagbabanta rin sa pagkakaisa at kapakanan ng mga katutubong komunidad.

“Huwag nilang gamitin ang mga Katutubo sa masamang balak nila. Ang Epanaw Sambayanan Partylist ay nariyan para mas pag-ibayuhin ang pandarambong at karahasan sa aming mga lupain, at upang kami’y magkawatak-watak,” wika ni Longid.

Nananawagan ang KATRIBU sa mga katutubong komunidad at tagapagtaguyod na ibasura ang Epanaw at ang mga nominado nito, na patuloy na naglalagay sa panganib sa buhay ng mga pinuno, organisasyon, at komunidad ng mga Katutubo.

“Ang tunay na partylist na representasyon sa Kongreso ay dapat na nakalaan para sa mga tunay na nagtataguyod para sa kapakanan ng mga Katutubo, hindi sa mga naghahangad na hatiin at pagsamantalahan sila para sa pansariling kapakanan.” (ROSE NOVENARIO)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *