Mon. Nov 25th, 2024

📷Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) leader at Koalisyong Makabayan senatorial bet Danilo “Ka Daning” Ramos

 

DAPAT isara na lang ang Sandiganbayan kung ang gagawin lamang nito ay patakasin ang pamilya Marcos at kanilang mga crony na napatunayan nang nagnakaw sa kaban  ng bayan.

Inihayag ito ni pinuno ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Koalisyong Makabayan senatorial bet Danilo “Ka Daning” Ramos kasunod ng pagbasura ng Sandiganbayan sa 37-taong kasi hinggil sa illegal na pagbili ng mga magulang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa multi-milyong pisong Pinugay Estate sa Tanay, Rizal.

Noong Hulyo 1987, nagsampa ng kaso ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) at ang Office of the Solicitor General laban kina dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.,  dating First Lady Imelda Marcos, at kaibigan nilang si Roman Cruz Jr., dating opisyal ng  Government Service Insurance System (GSIS), kaugnay sa illegal na pagbili sa Pinugay Estate na nagkakahalaga ng P276 million.

Binatikos din ni Ramos ang malaking papel ng Sandiganbayan sa pagbibigay proteksyon sa mga makapangyarihan.

“The Philippine justice system is deeply corrupt, favoring the wealthy and influential while ignoring the demands for justice from the people. History and the courts have repeatedly shown that Marcos Sr, Imelda Marcos and their entire family plundered the nation’s coffers, funneling their ill-gotten wealth to Swiss and foreign accounts,” sabi ni Ramos.

“The Sandiganbayan has allowed itself to be used by the Marcoses to evade accountability—an endless disgrace to the institution,” dagdag niya.

Nanawagan si Ramos sa pagwawakas ng pattern ng pagbasura sa mga kaso ng mga Marcos at kanilang mga crony.

Hindi aniya dapat pahintulutan ng taumbayan na magpatuloy ang pangungutya sa hustisya.

“We cannot allow this repeated travesty of justice. The world must remember how the Marcoses looted the Philippine treasury,” giit ni Ramos.

Ang naturang desisyon ng Sandiganbayan ay kasunod ng pasya ng anti-graft court na nagbasura sa isang hiwalay na kaso laban kay Imelda Marcos.

Pinawalang sala rin ng special court sina dating Senate President at kasalukuyang Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile,dati niyang chief of staff Atty. Jessica “Gigi” Reyes, at businesswoman Janet Lim Napoles sa kasong plunder kaugnay sa P172-million pork barrel scam. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *