INIANUNSYO ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang kanyang kapatid na si Cavite Governor Jonvic Remulla, ang magiging bagong kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Papalitan ng Cavite Governor si Benjamin “Benhur” Abalos Jr.,na naghain ng kanyang certificate of candidacy bilang senatorial candidate sa 2025 midterm elections.
“[Jonvic is] scheduled to have an oath-taking tomorrow morning. In fact, I think he’s withdrawing from candidacy as we speak,” sabi ni Remulla sa isa chance interview sa mga mamamahayag.
Si Pangulong Ferdinand “Bongbbong” Marcos Jr. aniya ang opisyal na maghahayag ng bagong puwesto ni Jonvic.
Suportado ng Justice secretary ang bagong papel ni Jonvic na aniya’y magpapabuti ng justice system sa bansa.
Ang DILG, DOJ at ang Supreme Court ay pawang mahalagang bahagi ng Justice Sector Coordinating Council (JSCC).
“The commitments can be made instantly because the two of us can always talk about what has to be done. Mas maganda ang coordination niyan,” sabi ni Remulla.
“Like minds, tsaka, we only want the best for the country. Wala tayong ibang motive dito,” dagdag niya.
Mapapalakas aniya ang pagsasanay ng pulis at prosecutors ngayong kalihim na ng DILG ang kanyang kapatid. (ZIA LUNA)