📷Former Bayan Muna Rep. Neri Colmenares
INIWASAN ni Executive Secretary Lucas Bersamin sagutin ang panawagan ng sambayanang Pilipino na isumite ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa International Criminal Court (ICC) ang mga testimonya nina ret. Police Col. Royina Garma at Kerwin Espinosa, ayon kay dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares.
“The people’s demand was for Marcos to submit Garma and Espinosa’s statement to the ICC but Executive Sec. Lucas Bersamin avoided answering the demand,” ani Colmenares.
Sa halip kasi na sagutin ang kahilingan, ang sagot ni Bersamin ay hindi magbabago ang paninindigan ni Marcos Jr. na hindi na babalik sa ICC.
“The Philippines will not return to the ICC. Based on this, the president is not expected to change his mind and now refer the [quad committee] matter to the ICC,” giit ni Bersamin.
Sinabi ni Colmenares na mas makabubuti na bumalik ang Pilipinas sa ICC ngunit puwede na rin naman kung ibibigay muna ang affidavits nina Garma at Espinosa sa kasakuluyan.
“As it is, it would be better if the Philippines rejoin the ICC in lieau of the drug war killings but if the Marcos administration would just submit the affidavits of Garma and Espinosa to the ICC then it would be good enough for now,” aniya.
Dapat din aniyang asuntuhin ng kasong grave coercion o grave threats si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa dahil sa mga gawa gawang kaso na inihain laban kay dating Sen. Leila de Lina gamit ang drug war bilang tabing, base sa testimonya ni Espinosa.
“The DOJ should also charge General Bato dela Rosa for grave coercion or grave threats for his trumped up cases filed against Sen. Leila de Lima using the drug war as a cover as per the testimony of Kerwin.Espinosa,” ani Colmenares.
Matatandaan na isiniwalat ni Garma sa pagdinig ng House quad committee na Davao Template ang ipinagawang modelo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ipinatupad na madugong drug war ng kanyang administrasyon na may pabuyang matatanggap ang pulis sa bawat itutumbang drug suspect na mula sa P20,000 hanggang isang milyong piso, depende sa kategoryang ibinigay ni ret. Police Col. Edilberto Leonardo at ang pera ay mula kay Sen. Bong Go. (ROSE NOVENARIO)