📷Former Tanauan City Mayor Antonio Halili
BUBUHAYIN ng Philippine National Police (PNP) ang imbestigasyon sa pagpatay kay Tanauan City Mayor Antonio “Tony” Halili kasunod ng rebelasyon ni dating police Col. Royina Garma na isang opisyal ng PNP ang umamin sa kanya na bahagi siya ng pangkat na nagtumba sa alkalde.
Sinabi ni PNP spokesperson Police Brig. Gen. Jean Fajardo na kasalukuyang nirerepaso ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang resulta ng orihinal na imbestigasyon upang matukoy ang anomang bagong lead sa pagpatay kay Halili.
Sa pagdinig ng House Quad Committee noong Biyernes, isiniwalat ni Garma na isang opisyal ng PNP na tinukoy niya bilang si “Albotra” ay nagyabang sa kanya hinggil sa pagsama sa mga pumaslang kay Halili.
Ayon kay Police Lt. Col. Kenneth Paul Albotra, maaaring nagkamali lamang si Garma sa mga detalye.
Noong 2 Hulyo 2018 ay binarily ng isang sniper si Halili habang nasa flag-raising ceremony sa Tanauan City Hall.
Napasama ang pangalan ni Halili sa mga personalidad na tinukoy ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa illegal drugs. (ZIA LUNA)