Fri. Oct 18th, 2024

📷Sen. Aquilino “Koko” Pimentel

 

NANINIWALA si Sen. Aquilino ‘Koko” Pimentel III na makatutulong sa imbestigasyon ng Senado kung dadalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil ang magiging pagtanggi niya ay personal na gagawin at “under oath” pa.

“So mukhang makakatulong yung appearance niya ng malaki and of course we’re expecting him to deny. He will deny diba? Alangan naman aminin niya yun diba? So at least yung denial, personal niyang gagawin. It will be on record at tsaka narinig natin yung denial sa kaniyang sariling bibig, under oath pa,” sabi ni Pimentel sa panayam sa programang Sa Totoo Lang sa One PH kagabi.

Nakahanda si Pimentel na pangunahan ang imbestigasyon sa madugong drug war na ipinatupad ng rehimeng Duterte, bilang chairman ng Senate Justice Committee ngunit puwede rin naman kung mapunta ito sa committee of the whole.

“So ako pwedeng justice commitee ko, pwede din sa committee of the whole, pwede rin,” aniya.

Wala rin aniya siyang nakikitang problema sakaling hindi magpunta sa Senate probe si Duterte basta ang mahalaga ay may mag-file ng resolution para maimbestigahan ang drug war.

“Di bale, hindi naman dapat hostage yung senado sa desisyon nung isang tao. Attend siya o hindi kung meron magfile ng resolution, i-hearing namin yan. Meron na kasi tayong preview eh narinig na natin yung hearing sa house quad comm,” paliwanag ni Pimentel.

Naghain ng resolution kahapon si Sen. Bong Go na naglalayong maglunsad ng parallel investigation ang Senado sa isinasagawang pagsisiyasat ng House quad committee upang makatulong aniya sa tunay na layunin ng kampanya kontra illegal drugs.

Pabor Senate President Francis “Chiz” Escudero na dalhin sa committee of the whole ang resolution sa imbestigasyon sa Duterte drug war.

Matatandaan sa House quad comm heating noong Oktubre 11, isiniwalat ni retired police colonel Royina Garma na si Go ang kausap ni dating National Police Commission Commissioner Edilberto Leonardo sa pagkasa ng reward system para sa mga pulis na makakapatay ng suspect na nasa drug list. (ROSE NOVENARIO)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *