Fri. Nov 22nd, 2024

📷Altermidya

 

KINOMPIRMA ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary general Raymond Palatino na binabalangkas na ng kanilang grupo , kasama ang iba pang anti-corruption stakeholders, ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

“We are drafting a complaint and we hope to file it soon. Ipi-present namin sa Makabayan  para i-endorse,” sabi ni Palatino sa press conference ng Karapatan, Bayan, Bayan Muna,  National Union of People’s Lawyers at Rise Up kaninang umaga.

“The preaparation is ongoing and we hope to file this soon kapag may sapat na batayan at saka ebidensya na makukuha,” dagdag niya.

Ang magiging batayan aniya ng impeachment complaint laban kay VP Sara ay betrayal of public trust at graft and corruption.

Inihayag ni Palatino na nakatakdang ilunsad anomang araw ang TAMA NA o Taumbayan Ayaw sa Magnanakaw at Abusado Network na binubuo ng people’s organizations, anti-corruption stakeholders at advocates of good governance.

Abangan na lamang aniya sa susunod na linggo ang pagbabalik ng session ng Kongreso gayundi ang pagpapatuloy ng House quad committee probe. (ZIA LUNA)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *