Fri. Nov 22nd, 2024

TATLONG salita lamang ang kailangan sambitin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para matuldukan ang patayan na patuloy na nagaganap sa bansa,” Stop the Killings.”

Panawagan ito ni Tinay Palabay, secretary general ng human rights group na Karapatan, kay Marcos Jr. at bawiin na rin aniya ng pangulo ang mga kautusan at patakaran na nagbibigay daan para maganap ang extrajudicial killings sa bansa kahit tapos na ang rehimeng Duterte noon pang 2022.

Hinimok din niya Marcos Jr. na kumibo na sa mga umuusad na pagdinig sa Kongreso kaugnay sa nangyaring EJKs sa ipinatupad na madugong drug war at makipagtulungan na sa International Criminal Court  (ICC) para mapanagot si dating Pangulong Rodrigo Duterte at mga kasabwat niya sa crimes against humanity.

“I-rescind mo yung mga orders , mga policies na nagda-drive ng ganitong extrajudicial killiings. Sabi nga nila yung Oplan Double Barrel, in play pa yan. Yung counter insurgency program, in play pa yan hanggang ngayon,” giit ni Palabay sa ginanap na press conference kahapon ng iba’t ibang grupong naghahangad na panagutin sa ICC si Duterte.

“Kung seryoso yung administrasyon na tingnan yung polisiya, again subjects ng dalawang hearings na yan, mga polisiya na nag-aanak ng extrajudicial killings i-rescind mo yan. Wala pa naman tayong naririnig kay Pres. marcos  ni ha,  ni ho. Tatlong salita lang ang sasabihin nya, Stop the Killings. Kailangan magsalita siya sa mga pagdinig na ito at tunkol sa general policy sa ICC at EJKs sa ating bansa,” dagdag niya.

Nanawagan din siya sa ICC na ilabas na ang arrest warrant laban kay Duterte lalo na’t maraming naging rebelasyon mismo ang dating pangulo sa pagdinig sa Senado noong Lunes sa naging direktiba niya na nagbunga ng EJKs sa ipinatupad niyang madugong dryg war.

“Nananawagan po kami sa ICC, iisyu nyo na ang warrant, The minute President Duterte said under oath that he gave the orders to kill dahil nanlaban, para manlaban, issue the orders to arrest Pres. Duterte and his cohorts,” ani Palabay.

“That, I think, is one thing that we can get from that Senate hearing.” (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *