Wed. Nov 6th, 2024

NAGBITIW na si Atty. Michael Poa bilang tagapagsalita ng Office of the Vice President (OVP).

Inihayag niya ang kanyang resignation sa ginaganap na House Committee on Good Government hearing ngayon na nagbubusisis sa paggamit ng examined the budget utilization of the OVP.

“I am no longer connected with the Office of the Vice President. Yung consultancy contract ko po was already pre-terminated. Wala na rin po ako as spokesperson. Nagpaalam po ako na umalis, prior pa po to the previous hearing that we had,” sabi ni Poa.

Nagsilbi rin si Poa bilang undersecretary at spokesperson sa Department of Education noong kalihim ng kagawaran si  Vice President Duterte.

Nang magbitiw si Duterte bilang DepEd secretary ay lumipat siya sa OVP.

Sa nakaraang pagdinig sa Kamara, sinabi ni Poa na inatasan niya si noo’y DepEd Undersecretary at retired Major General Nolasco Mempin na humingi ng mga sertipikasyon mula sa military units upang susugan ang paggasta ng OVP sa P15 million confidential funds para sa mga impormante noong 2023.

Giit ni Poa, ginawa niya ito “in good faith” dahil hiniling ng COA na tmugon ang OVP sa audit observation memorandum (AOM) na kumuwestiyon sa paggasta.

Kinompirma ng mga opisyal ng militar na nagbigay ng mga sertipikasyon sa OVP na hindi nila alam na gagamitin ito para bigyan katuwiran ang OVP budget. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *