Wed. Nov 6th, 2024

KINOMPIRMA ngayon ng Malacañang na sinibak bilang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson si Dr. Winston John Casio matapos mag-viral ang video na nagpakitang sinampal niya ang isang Pinoy employee sa ginanap na raid sa isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) company sa Bagac, Bataan noong nakaraang linggo.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, isinailalim sa administrative investigation  si Casio batay sa nakasaad sa memorandum na may petsang Nobyembre 4 mula kay PAOCC executive director Gilberto Cruz.

Sinabi sa memo na ang insidente ng pananampal ay naidokumento at ang footage ay kumakalat sa social media.

“In order to ensure a comprehensive and fair investigation into this matter, you are hereby directed to submit a written explanation within twenty-four (24) hours of receiving this memorandum. Your immediate response is crucial, as it will significantly influence the Office’s consideration of any subsequent actions,” sabi sa memo.

“It is critical for you to comprehend that any failure to provide your explanation will be deemed a waiver of your right to contribute to this process. Furthermore, you are hereby relieved of your responsibilities as spokesperson for PAOCC effective immediately and until the completion of this investigation,” dagdag nito.

Sa isang panayam sa Super Radyo dzBB, sinabi ni Casio na pinagsisihan niya ang pananampal sa empleyado ng POGO at aminado siyang hindi ito tama.

Nilinaw niya na ilang Pinoy emplyees ng sinalakay na kompanya ay minura ang isa sa mga kawani at kinatawan ng media na kasama nila sa raid.

Natukoy aniya ng media at mga empleyado ang taong nag-dirty finger sa kanika.

Inabisuhan ni casio ang tao na sasampahan siya ng kasong unjust vexation.

“Admittedly naman po mali ako doon sa aking ginawa. Pero sabi ko naman sa explanation letter na binigay ko po kahapon, I’m willing to face the music kasi mali din naman talaga,” ani Casio.

“Sabi ko nga, ang binastos mo, hindi ‘yung staff, hindi ‘yung bata. This is a legitimate operation. Nung dinirty finger mo kami, ang dinirty finger mo is the PAOCC… headed by the President of the Republic of the Philippines,” giit ni Casio.

Tatlong beses niyang sinampal ang tao ngunit hindi naman daw ito malakas, sabi ni Casio.

“Pero at the end of the day, I still apologize. That is erroneous on my part. Dapat po tinuloy ko na lang ‘yung kaso,” sabi niya. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *