DEADMA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, sa banta ni Vice President Sara Duterte na huhukayin at itatapon ang labi ng kanyang amang si Marcos Sr. sa West Philippine Sea kapag hindi tumigil ang mga pag-atake laban sa kanya.
“I’d rather not,” maigsing tugon ni Marcos Jr. nang hingan ng reaksyon ng mga mamamahayag sa babala VP Sara, sa kanyang pagbisita sa puntod ni Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City ngayon umaga.
Nang ukilkilin pa siya kung wala ng pag-asang maging maayos ang relasyon nila ng bise president, ang sagot ni Marcos, ”Let’s talk about it some other time.”
Magugunitang naging kontrobersyal ang pagmamalaki ni VP Sara na minsan ay sinabi niya kay Sen. Imee Marcos na huhukayin niya ang labi ng ama ng senadora at itatapon sa WPS kapag hindi siya tinantanan ng mga pagbatikos.
Pinintasan din ni VP Sara si Marcos Jr. na hindi raw marunong maging president.
Gusto rin pugutan ng ulo ni VP Sara si Marcos Jr. dahil hindi ibinigay ang relo sa nanghinging estudyante.
Marami ang kumuwestiyon sa katinuan ni VP Sara matapos ang kanyang pulong balitaan.
Nahaharap ang bise presidente sa imbestigasyon ng Mababang Kapulungan hinggil sa kanyang paggasta sa confidential funds ng Office of the Vice President at pondo ng Department of Education noong kalihim pa siya ng kagawaran.
Ilang people’s organizations at mambabatas ang nagbabalak na maghain ng impeachment complaint laban kay VP Sara bunsod ng umano’y betrayal of public trust at graft and corruption. (ROSE NOVENARIO)
The minimum deposit amount with a Neosurf voucher is AU$10 and the maximum amount is AU$200. Read on to learn more about this revolutionary banking method and discover the best Australian online casinos that accept Neosurf. Beginners should also examine bonus conditions, game rules, account security and available spending controls. Before choosing from these Neosurf online casinos in Australia, confirm current payment availability, bonus eligibility and withdrawal requirements.
References: https://biker-mc.de/forum-2/topic/online-pokies-neosurf-australia-deposits-safety-guide/
References:
Online casino australia payid online casino payid withdrawal australia
References:
Australian payid casino top payid casinos australia