Thu. Nov 21st, 2024

NAGLABAS ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema laban sa paglipat ng P89.9 bilyong unused excess funds ng Philhealth sa national treasury.

Inihayag ito ni SC spokesperson Atty. Camille Ting sa isang press conference matapos maghain ng petisyon sa Kataas-taasang Hukuman ang iba’t ibang grupo upang pigilan ang paglipat ng surplus funds ng PhilHealth.

“The Supreme Court issued a temporary restraining order to enjoin the further transfer of PhilHealth funds to the National Treasury,” ayon kay Ting..

Ngunit ang mga naunang inilipat na P20 bilyon noong Mayo at P10 bilyon noong Agosto ay hindi na maibabalik pa sa PhilHealth dahil hindi ito saklaw ng TRO.

“This TRO is a significant victory for the Filipino people, especially for PhilHealth beneficiaries who rely on these funds for their healthcare needs,” ayon kay dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, isa sa mga naghain ng petisyon.

“The transfer of these funds would have jeopardized the benefits of countless Filipinos relying on PhilHealth for essential health services. This decision prevents a grave injustice from occurring,” aniya.

“The attempt to siphon off funds from PhilHealth, and potentially from the Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC), would not only violate constitutional principles but also put at risk the financial security of depositors and the health of our nation,” aniya.

Dapat aniyang maibalik sa PhilHealth ang mga nailipat na pondo nito sa national treasury pero hindi pa nagagamit sa unprogrammed funds projects.

Hinikayat naman ni dating Bayan Muna Rep. Teddy Casino ang lahat na igalang ang TRO at tiyakin na ang mga pondo para sa pampublikong kalusugan ay hindi ginagalaw para sa ibang bagay.

“Nawa’y magsilbing paalala ito na ang kapakanan ng sambayanang Pilipino ang dapat laging mauna,” ayon kay Casino, isa rin sa mga naghain ng petisyon sa SC.

“Our work does not end here. We will continue to stand vigilant and to push for reforms that ensure a government that is genuinely tapat at makabayan — honest, patriotic, and protective of the people’s interests,” giit niya. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *