Thu. Nov 21st, 2024

📷Lumubog sa baha ang mga bahay sa Bicol sanhi ng Typhoon Kristine.|Altermidya

 

NANAWAGAN si Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) president Renato Reyes Jr. sa pamahalaan na magtatag ng isang state-funded compensation fund para mabayaran ng danyos ang mga biktima ng mga kalamidad na kagagawan ng tao at pagkasira ng kapaligiran.

“We call for a state-funded compensation fund for all victims of man-made calamities and environmental degradation,” ani Reyes.

Panahon na aniya upang baguhin ang mga patakaran sa negosyo na sumisira sa kapaligiran at mas nagiging bulnerable ang mga tao, lalo na ang mga mahihirap, sa lumalalang epekto ng krisis sa klima.

“It is time to change our policies on business that ruin the environment and make the people, especially the poor, more vulnerable to the worsening effects of the climate crisis,” sabi ni Reyes.

Sa situation briefing ngayon sa Malakanyang kaugnay sa bagyong Kristine ay inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang pakikisimptya sa mga kapwa Pilipino na naging biktima ng bagyong Kristine.

”I would like to express my sympathy for our fellow Filipinos who have become victims by tropical storm Kristine. We are grateful for the resilience, leadership and proactive measures undertaken by our LGUs which has saved many, many lives.,” sabi ni Marcos Jr.

Giit niya, hindi sasapat ng pagpapahayag ng pakikiramay, pag-iisip at panalangin , pati ang ayuda o relief goods, para sa mga biktima ng bagyo.

Giit ni Reyes, dapat magbigay ng makabuluhang kabayaran ang gobyerno ng Pilipinas sa lahat ng nasalanta ng bagyo na nawalan ng mga pananim, tirahan at iba pang ari-arian.

Dapat aniyang tanggapin ng estado ang pananagutan para sa matinding kabiguan nitong protektahan ang kapaligiran kaya nagdudulot ng matinding epekto sa mga tao sa panahon ng bagyo.

Binigyan diin ni Reyes na sinira ng ilang dekadang malawakang pagmimina, pagtotroso, pag-quarry at iba pa ang  likas na proteksyon laban sa pagbaha.

“It is the state’s responsibility to prevent destructive operations yet here we are, a nation reeling from one calamity to the next, at the mercy of politicians,” wika ni Reyes. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *