NAHULI si ret. police Col. Royina Garma sa California, inihayag ng Department of Justice (DOJ) ngayong Martes.
Ayon sa impormasyong ibinigay ng Philippine National Police at ng Department of the Interior and Local Government, iniulat ni Justice spokesperson Mico Clavano na si Garma, kasama ang isa pang indibidwal, ay inaresto at ikinulong sa San Francisco noong Nobyembre 7.
Sinabi pa ni Clavano na inatasan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla si Immigration Commissioner Joel Viado na tumulong sa kanyang pagpapauwi sa Pilipinas.
““It is earnestly anticipated that, notwithstanding the recent lifting of her contempt order by Congress, and in light of the ongoing investigations stemming from the congressional hearings, she will remain open to cooperating and collaborating with the Philippine Government,” pahayag ni Clavano.
Ayon sa source sumakay diumano si Garma sa United Airlines flight UA 2024 mula Manila papuntang Washington, D.C. noong Nobyembre 7, 2024. Inaresto siya sa San Francisco, California, sa parehong araw sa humigit-kumulang 10:00 AM PST (Pacific Standard Time).
Ang UA2024 ay umalis mula Manila papuntang Washington, D.C. noong Nobyembre 7, 2024, sa ganap na 10:50 PM lokal na oras. Naroon si Garma sa NAIA Terminal 3 mula 7:23 hanggang 8:53 at nasa Immigration counter noong 7:45 noong araw na iyon. (ROSE NOVENARIO)