Thu. Nov 21st, 2024

NANANATILING pangunahing pinagmumulan ng kalakalan ng droga ang New Bilibid Prison (NBP), kung saan ang mga detenido ay namamahala sa pakikipag-ugnayan sa mga kontak sa labas ng bilangguan.

Sinabi  ni Department of Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla planong ilipat ang daan-daang high-value detainees na sangkot sa illegal drug trade mula sa New Bilibid Prison patungo sa mas ligtas na pasilidad.

Ipinaliwanag ni Remulla na ang paglipat ng humigit-kumulang 200 high-profile inmates ay naglalayong putulin ang kanilang komunikasyon sa mga criminal network sa labas.

“They are taking proactive steps para ialis na ‘yung high value detainees sa loob ng Muntinlupa and setting up a maximum detention facility somewhere in the Philippines. I think the operations will start pretty soon and we will see a stark difference in the war against drugs in the Philippines,” sabi ni Remulla.

Nauna rito’y, nakipagpulong  si Pangulong Bongbong Marcos at iba pang pangunahing ahensya, kabilang ang Department of Justice, National Bureau of Investigation, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police, at DILG, para pag-usapan ang mga bagong estratehiya para labanan ang ilegal na droga sa bansa.

Sa pagpupulong, napag-usapan na ililipat ng gobyerno ang kanilang pokus upang unahin ang mga aksyon laban sa mga pangunahing supplier ng droga. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *