📷Former Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite
ANG nahuling pag-aalala at postura ni Sen. Bong Go laban sa paglilipat ng pondo ng PhilHealth ay isang klasikong oportunistang “epal” na hakbang upang pawiin ang galit ng mga ordinaryong Pilipino na pagkakaitan ng kinakailangang subsidy sa kalusugan , ayon kay dating Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite.
Sinabi ni Gaite na walang kapuri-puri sa pag-epal na na huli nang ginawa para linlangin ang mga tao, lalo na ang mga potensyal na botante para sa 2025 midterm elections.
“Also apart from being ‘epal’ Bong Go is stealing the thunder from those who truly opposed the transfer of Phil health funds,” ani Gaite.
Tanong aniya ng Bayan Muna kay Go, ‘Paano bumoto ang Senador sa palihim na pagdinig ng Bicameral Conference Committe para sa pag-apruba ng 2024 General Appropriations Bill?”
Sa partikular aniya, ano ang paninindigan ni Go sa kontrobersyal na probisyon na palihim na isiningit sa GAB hinggil sa pinagmulan ng Unprogrammed Appropriations na nagsasaad na magmumula ito sa… “(D) FUND BALANCE OF GOCC FROM ANY REMAINDER RESULTING FROM THE REVIEW AND REDUCTION OF THEIR RESERVE FUND TO REASONABLE LEVELS TAKING INTO ACCOUNT THEIR DISBURSEMENT OF PRIOR YEARS”?
Giit ni Gaite, dapat tandaan na ang dahilan kung bakit ang pondo ng PhilHealth at iba pang tinatawag na ‘unutilized funds’ ay tinatarget para ilipat ng administrasyong Marcos Jr. sa “Unprogrammed Appropriations” dahil pinalalabas na hindi nakapipinsala ang probisyong ito.
“It must be remembered that the reason why the PhilHealth funds and other so-scalled ‘unutilized funds’ are being targetted for transfer by the Marcos Administration to the “Unprogrammed Appropriations” is this seemingly innocuous provision. Innocuous until now,” paliwanag ng dating mambabatas.
Isa lamang aniya ito sa mga dahilan kung bakit hinamon ng Bayan Muna ang konstitusyonalidad ng probisyong ito sa 2024 General Appropriations Law at naghain ng petisyon sa Korte Suprema para pigilan ang paglipat ng P89.9-B “excess” PhilHeath funds sa national treasury.
Ayon kay Gaite, hindi maaaring magkunwari si Go at iba pang mambabatas na nakibahagi sila sa” pangungulit” upang tutulan ang paglipat sa PhilHealth funds gayong sa katunayan ay bahagi sila sa nag-apruba nito o pumabor sa hindi kanais-nais na probisyong ito.
Sen. Bong Go and all other legislators, if they indeed favored this objectionable provision, cannot hypocritically claim that they took part in the “pangungulit” to oppose this when they in fact were party to its approval. (ROSE NOVENARIO)