MAAARING ituring na sedition ang mga pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nanawagan sa militar na lutasin ang aniya’y “fractured governance” sa ilalim ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na inakusahan niya ulit na gumagamit ng ilegal na droga, ayon kay Justice Undersecretary Jesse Hermogenes Andres.
Dapat aniyang suriin ang sinabi ni Duterte sa konteksto ng mga naging pahayag din ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte.
“For him to invite the military to have a part in seeking remedy is bordering on sedition and is legally actionable,” ani Andres sa ambush interview kagabi.
“‘Yung pong mga pananalita ng dating Pangunong Duterte ay iimbestigahan din natin kasabay ng ibang mga nangyayari ngayong mga panahon,” dagdag niya.
“We will have to look at every angle. The threat issued by the VP is something that should also be factored in, whether this is really part and parcel of a bigger plan for destabilization,” aniya.
Nakahanda aniya ang gobyerno sa anomang magaganap.
“And the Armed Forces of the Philippines is a professional organization that is loyal to the chain of command,” ayon kay Andres.
Noong Lunes ay iginiit ni Duterte sa isang press conference, “Nobody can correct Marcos, nobody can correct Romualdez… It is only the military who can correct it.”
Tanong niya, hanggang kailan susuportahan ng military ang isang president na “drug addict.’
Tinagurian ng Malakanyang na garapal at makasarili ang paghimok ni Duterte na patalsikin sa puwesto si Marcos Jr lalo na’t ang makikinabang kapag nangyari ito’y ang kanyang anak na bise presidentE.
‘No motive is more selfish than calling for a sitting president to be overthrown so that your daughter can take over,” ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin.
“Duterte is willing to go to great and evil lengths, such as insulting our professional armed forces by asking them to betray their oath, for his plan to succeed,” dagdag ng opisyal.
”Nakakagulat ang garapalang panawagan ni dating Pangulong Duterte sa ating sandatahang lakas na maglunsad ng kudeta laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,” giit niya.
Nanawagan si Bersamin kay Duterte na irespeto ang Saligang Batas at tigilan na ang pagiging iresponsable. (ROSE NOVENARIO)