MALAPIT na kaibigan ng drug personality na si Allan Lim si Sen. Bong Go, sabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa House Quad Committee hearing ngayon.
Inihayag ni PDEA Deputy Director General Renato Gumban ito sa kanyang presentation sa ugnayan ng mga kompanya ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at illegal drug trade.
Ayon kay Gumban, maraming alias na ginagamit si Allan Lim, isa rin sa mga incorporator ng Pharmally corporation na nakasungkit ng P11 bilyong halaga ng government contract ng COVID-19 pandemic supplies noong administrasyong Duterte, at isa ring casino junket operator.
“According to this informant [by PDEA], Allan Lim is a close friend of then Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go. Allan Lim is involved in the kidnapping of illegal drugs in Cavite but these cases were dismissed in 2015,” ani Gumban.
Hindi nakarating ngayon sa pagdinig ng komite si Rose Nono Lin, misis ni Allan Lim, na congressional candidate sa Quezon City.
Sa mga naunang pagdinig ng komite ay isiniwalat ni PDEA Chief Moro Lazo na si Allan Lim at drug personality na si Lin Wei Xiong ay iisang tao lamang.
“We were able to talk to a confidential informant. He’s a reliable informant. When he talked to us, he hadn’t even seen the presentation of [police] Colonel [Eduardo] Acierto before the [House] Committee on Dangerous Drugs,” sabi ni Lazo.
Inakusahan din ni dating Col. Eduardo Acierto sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Go na mga kabigan at protector ng drug suspect na si Allan Lim sa kanyang report noong 2017 report na binalewala aniya ng kanyang ng superiors ng walang basehan.
Base sa impormante ng PDEA , gumagamit din si Allan Lim ng mga pangalang Allan Lin, Jeffrey Lin, Jeff Lin, Ayong, Lin Wei Xiong, at Wen Li Chen.
“These names all are confirmed by the different statements being heard before the QuadComm,” aniLazo.
“He is a drug personality. He was caught in a shabu laboratory in Tagaytay in 2004,” ani Lazo. (ZIA LUNA)