Wed. Dec 4th, 2024

KOMPIYANSA si ACT Teachers Partylist Rep. France Castro na may sapat na bilang sa  Mababang Kapulungan para ma-impeach si Vice President Sara Duterte.

“Natatantya naman namin na meron dito sa House of Representatives. Kino-consider din natin ang number sa ngayon para siyempre maipanalo, mai-push natin itong impeachment. Tinitingnan din natin ‘yung bilang sa Senado kung sino ‘yung pwedeng pumayag sa impeachment,” sabi ni Castro sa panayam sa TeleRadyo Serbisyo.

Kinompirma ni Castro na binabalangkas na ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang  impeachment complaint laban kay Duterte at inaasahang isasampa ito bago matapos ang 2024.

“Meron ng gumagawa. Bayan [ang gumagawa]. Kung matatapos namin, naraming signatories hindi lang sa Bayan. [Multi-sectoral]. I think kaya naman [before the year ends],” ani Castro.

Kabilang sa magiging batayan ng impeachment complaint laban sa bise presidente ay betrayal of public trust, bribery at iba pang high crimes gaya ng plunder.

Kailangan aniyang managot si Duterte sa hindi wastong paggasta sa confidential funds na ipinagkatiwala sa kanya ng Department Education at Office of the Vice President.

“Pinagkatiwalaan ka ng pondo tapos na misuse,” dagdag ng teacher-solon.

Nahaharap din si Duterte sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) tungkol sa kanyang pagbabanta kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

Kinansela ng House Bluer Ribbon Committee ang nakatakda sanang pagdinig ngayon hinggil sa confidential funds ng OVP at DepEd sa ilalim ni Duterte upang magparaya sa imbestigasyon ng NBI sa bise presidente.

“Dapat pumunta siya sa NBI, wala na siyang excuse,” ani Castro.

Kabilang sa binubusisi ng House Blue Ribbong Committee ay ang mga acknowledgement receipts sa certification na nilagdaan ni Duterte para bigyan katwiran ang paggasta niya sa confidential funds.

“Marami siyang certification na in-attest, aalamin natin kung chineck niyang mabuti ‘yung mga acknowledgement receipt kasi pumirma siya sa certification,” ayon kay Castro.

“Criminal cases ang haharapin niya kung hindi naman totoo itong mga acknowledgement receipt, pinirmahan lang niya nang hindi chinicheck kasi in-affix niya yung signature niya. Medyo mabigat din yung haharapin niya sa NBI,”  wika ng teacher-solon na isa rin sa Koalisyong Makabayan senatorial candidate. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *