đˇTony Leachon MD | X
TILA makapal talaga ang pagmumukha ng mga opisyal ng PhilHealth at kahit may direktiba si Pangulong Ferdinand âBongbongâ Marcos Jr. na iwasan ang magarbong Christmas party dulot ng paghihirap ng mga mamamayan sa sunud-sunod na pananalasa ng bagyo kamakailan, gagasta pa rin ang ahensya ng P138-M para sa Christmas party at 30th anniversary.
Isiniwalat ito ni Health Reform advocate Dr. Tony Leachon sa kanyang paskil sa X (dating Twitter).
Gagawin ito ng PhilHealth sa gitna ng usapin na zero ang budget nila sa 2025, ibinalik sa treasury ang P89-B âidle fundsâ nito at libu-libong miyembro ay naglalabas ng malaking halaga mula sa kanilang bulsa kapag nagkakasakit kahit miyembro sila ng PhilHealth.
âZero budget para sa PHILHEALTH : abusado
@teamphilhealth
leadership team for not using funds wisely !
138 Million for Christmas party.
Nagagamit naman ng husto pondo ng philhealth – para sa mga Christmas party contrary to the request of BBM for not spending much this Xmas
at sa upcoming 30th Anniversary na P138M ang budget.
Kapal lang talaga pagmumukha nila. Ayaw ipa resign ng congress and senate. Happy together. Good luck đ
So the people are suffering,â sabi ni Leachon. (ROSE NOVENARIO)