BINATIKOS ni dating Bayan Muna Congressman Carlos Isagani Zarate ang panibagong pagtaas ng presyo ng petrolyo nadagdag kalbaryo sa pamilyang Pilipino na nahihirapan na sa isang “Krisismas” dahil sa mataas na presyo at mababang sahod.
Ang bagong yugto aniya ng pagtaas ng presyo ng langis ay parang isang bukol ng uling sa mga medyas ng Pasko ng mga manggagawang Pilipino.
Giit ni Zarate, sa halip na pagdiriwang, milyun-milyong pamilya ang nahaharap sa isang ‘Krisis’ na minarkahan ng pagtaas ng halagang mga pangunahing bilihin at serbisyo habang ang sahod ay nananatiling mababa.
“Habang tumataas ang presyo ng langis at mga bilihin, nakatengga pa rin ang mga panukalang dagdag sahod. Paano na lang ang ordinaryong manggagawa na P645 ang minimum wage sa NCR samantalang P1,161 ang family living wage?” ani Zarate.
Tinawag ng progresibong solon ang patuloy na nakaasa ang gobyerno sa Oil Deregulation Law, na aniya ay nakinabang lamang ay malalaking kumpanya ng langis sa kapinsalaan ng mga mamimili.
“The government must seriously consider suspending the excise tax on petroleum products and reviewing the Oil Deregulation Law. Hindi pwedeng kumikita ng bilyon-bilyon ang mga oil companies, ang mga ordinaryong Pilipino ay lugmok sa kahirapan,” sabi niya.
“We demand immediate economic relief through price control measures, wage increases, and genuine regulation of the oil industry. Hindi dapat ipasa sa mga konsyumer ang pasanin ng kartel ng langis,” wika ni Zarate. (ROSE NOVENARIO)