Fri. Jan 31st, 2025

Asahan ang tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy.

Sinabi ni Department of Energy – Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Assistant Director Rodela Romero, na maaaring mula P0.70 hanggang P1.00 ang bawas sa kada litro ng gasolina.

Habang P0.20 hanggang P0.55/litro ng diesel at P0.40 hanggang P0.50 / litro naman ang tapyas sa kerosene.

Base aniya ito sa market developments at pandaigdigang galaw ng presyo ng produktong petrolyo.

Sa Lunes mababatid kung magkano ang bawas presyo na ipinapatupad tuwing Martes.

Matatandaan na mula pumasok ang 2025 ay tatlong magkakasunod na linggo ang pagtaas presyo sa mga produktong petrolyo kaya’t umabot sa P3.45 ang idinagdag sa halaga ng kada lito ng gasolina at P5 sa bawat litro ng diesel. (ZIA LUNA)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *