BUENA manong kalbaryo ang naghihintay sa mga Pinoy sa pagpasok ng 2025.
Simula Enero 1, 2025 ay ipatutupad ng Maynilad ang dagdag singil na P7.32 / cubic meter para sa unsewered line (residential) at P 8.11 / cubic meter sa sewered line (mga negosyo).
Mula sa P58 ay magiging P66 ang presyo ng bawat cubic meter.
Habang ang Manila Water ay tataas ng P 5.95 /cubic meter sa unsewered line (residential) at P7.58 / cubic meter kaya’t magiging P61 ang halaga ng bawat cubic meter mula sa P58.
Inanunsyo naman ng Meralco ang dadag na P0.1048 kada kilowatt-hour (kWh) ang singil ngayong Disyembre 2024 kaya’t ang overall electric rate ng isang typical household ay magiging P11.9617 per kWh, mula sa P11.8569 per kWh.
Kapansin-pansin na sa tuwing tataas ang singil sa tubig at kuryente, regular na umaalma ay mga progresibong grupo at mga mambabatas mula sa Makabayan bloc, walang ibang politiko at organisasyon ang pumapalag sa dagdag pahirap na ito sa mga ordinaryong mamamayan. (ZIA LUNA)