đˇMayor Rico Roque | Facebook
INARESTO ng mga pulis si Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque at dalawang iba pa, kabilang ang isang municipal councilor, kahapon, Disyembre 17, 2024, sa kasong rape.
Sina Roque, Pandi municipal councilor Jonjon Roxas, at Roel Raymundo ay dinakip dakong ala-una ng hapon sa isang waterpark sa Pandi, Bulacan.
Nahaharap sila sa two counts ng non-bailable rape charges.
Kasalukuyang silang nakapiit sa Northern Police District Custodial Facility.
Sa isang affidavit, isang babae ang inakusahan silang ginahasa siya sa Caloocan noong Abril 6, 2019, ayon kay Northern Police District Special Operations Unit (DSOU) chief PLtCol. Alain Licdan.
Naghain ng motion to quash the arrest warrant and information ang mga akusado at sinabing âgawa-gawaâ lang umano ang asunto at âpolitically motivatedâ.
Si Roque ay isa ring film producer at ang kanyang pagmamay-ari na CineKo Productions ang nag-produce ng mga pelikulang Family Matters (2022) at Family of Two (2023). (ZIA LUNA)