đˇKoalisyong Makabayan | Facebook
NANAWAGAN ang Makabayan bloc sa pamunuan ng Mababang Kapulunga na aksyonan agad ang tatlong impeachment complaints na inihain laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa isang kalatas ay inihayag nina ACT Partylist Teachers Rep. France Castro, Gabriela Womenâs Party Rep. Arlene Brosas at Kabataan Rep. Raoul Manuel na malugod nilang tinatanggap ang pagsasampa ng ikatlong impeachment complaint laban kay Duterte ng mga relihiyosong grupo, pari, at abogado.
Anila, lalo nitong pinalalakas ang panawagan para sa pananagutan hinggil sa kuwestiyonableng paggamit ng confidential funds.
“Ang bawat araw na dumadaan na hindi natin ito inaksyunan ay another day of impunity. The Filipino people deserve to know the truth about how their hard-earned tax money was spent,” ayon kay Brosas.
“The filing of three separate impeachment complaints from various sectors of society shows the gravity of VP Sara Duterte’s misuse of P612 million in confidential funds. Hindi na maaaring palagpasin pa ang ganitong kalaking pang-aabuso sa pera ng bayan,” sabi ni  Castro.
Nakasaad sa Konstitusyon na tungkulin ng Kamara na tipunin ang mga kinakailangang boto upang maihatid ang kaso sa Senado upang makapagsimula ang paglilitis sa pinakamaagang posibleng panahon.
Habang ihaharap naman ng public at private prosecutors ang kaso sa impeachment court ng Senado.
Giit ng mga progresibong mambabatas, malubha ang mga paratang – mula sa kabiguan na magbigay ng dokumentaryong ebidensya, hanggang sa paggamit ng mga gawa-gawang indibidwal para sa acknowledgement receipts, hanggang sa sadyang pagtatago ng mga aktwal na aktibidad ng pangangalap ng impormasyon.
“These are not mere technical violations but point to systematic corruption and betrayal of public trust,” ani Manuel.
Ipinapaalala ng Makabayan bloc kay Duterte na panindigan ang kanyang sinabing tinatanggap ang impeachment complaints at tiyakin na haharapin ang mga alegasyon ng tapat at walang pagtatago.
âThe entire nation is watching the House of Representatives as the clamor for accountability grows. Hindi dapat matulad ito sa mga nakaraang impeachment complaint na bininbin lamang. The complaint is a just and legal option that should not be held hostage by electoral considerations,â sabi ng mga progresibong mambabatas. (ROSE NOVENARIO)