Sat. Aug 8th, 2026

📷Sen. Loren Legarda

 

NAGPAHAYAG ng pasasalamat at suporta ang Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) sa mahigpit na pagtuligsa ni Senator Loren Legarda sa panukala ni US President Trump na dapat kontrolin at ariin ng U.S. ang Gaza Strip, na sinamahan pa ng panibagong banta ng displacement para sa mga residenteng Palestinian nito.

Binigyan diin ng BAYAN na ang deklarasyon ni Trump na walang katapusang digmaan sa Palestine ay hindi dapat pahintulutan, lalo na’t may umiiral ang isang tigil-putukan sa pagitan ng Palestinian liberation forces at ng genocidal Zionist occupation force.

Hindi lamang lumalabag sa internasyunal na batas at karapatang pantao ang panukala ni Trump kundi pinalalala rin ang dati nang malagim na sitwasyon sa rehiyon.

“Senator Legarda’s vocal opposition to this proposal highlights her commitment to justice, peace, and the respect for international norms. By speaking out against such a controversial and unethical proposition, she not only defends the rights of the Palestinian people but also upholds the principles of fairness and equity on the global stage,” sabi ng BAYAN sa isang kalatas.

Giit ng grupo, sa panahon na kadalasang natatabunan ng retorika sa politika ang mga makataong alalahanin, ang paninindigan ni Legarda ay nagpapahayag ng isang malinaw na mensahe na ang mga naturang aksyon ay hindi kukunsintihin at ang mga karapatan at kapakanan ng lahat ng indibidwal, anuman ang kanilang nasyonalidad o etnisidad, ay dapat igalang.

“Her courage in standing up to such a powerful figure as President Trump is admirable and sets an example for other leaders to follow,” sabi ng BAYAN.

“We call on our friends, allied organizations and kababayan to continue forging a strong solidarity with the struggle for national liberation in Palestine, from the river to the sea,” pagtatapos ng grupo. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *