Mon. Apr 7th, 2025

📷Ratko Mladic | MICT

 

MAGSISILBING ‘kosa’ o kasama sa bilangguan ni dating Pangulong Rodrigo “The Punisher” Duterte sa detention facility sa Scheveningen, Den Haag, The Netherlands ang tinaguriang “Butcher of Bosnia” na si Ratko Mladić, isang dating Bosnian Serb general, na convicted sa kasong genocide.

Si Mladic, 83-anyos,  ay hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo noong Hunyo 2021 sa mga kasong genocide ng Bosniaks mula sa Srebrenica, pag-uusig sa Bosniaks at Croats sa kanilang bansa noong digmaan, nagpatupad ng terorismo sa populasyon ng Sarajevo sa pamamagitan ng kampanya nitong “shelling and sniping” nang kubkubin ang lungsod at ginawang hostage ang UN peacekeepers, batay sa ulat ng balkaninsight.com.

Nakapiit si Mladic mula pa noong 2011 at noong Mayo 2024 ay ibinasura ng The Mechanism for International Criminal Tribunals ang hirit ni Mladic na sa Sebia na lang niya pagdusahan ang hatol sa kanyang life sentence sa katuwirang hindi niya natatanggap ang karampatang healthcare sa detention.

Sa kanyang desisyon ay sinabi ni Court president Graciela Gatti Santana na ang sentensya ay dapat ipatupad sa mga estado na may kasunduan ang United Nations para sa naturang layunin at ang Serbia ay hindi “viable option.”

“Having served only approximately 13 years of his life sentence, Mladic has not yet reached the eligibility threshold for early release,” dagdag niya.

Dumating si Duterte sa Scheveningen Detention Center kagabi matapos arestohin ng Interpol sa NAIA noong Martes ng umaga sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC) sa kasong crimes against humanity. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *