Atty. Kristina Conti, ICC Assistant to Counsel at Bayan Muna 5th nominee
IMBES makatulong, mapapahamak pa si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-atake ng kanyang mga tagasuporta sa International Criminal Court (ICC), prosecutors at judges, sabi ni Attorney Kristina Conti, ICC Assistant to Counsel.
Sa kanyang paskil sa Facebook, ipinaliwanag ni Conti na ang nasabing pag-atake ng Duterte supporters ay puwedeng maging basehan sa para dagdagan ang mga kaso In a social media post, Conti stated that such attacks by Duterte’s supporters might serve as grolaban sa dating pangulo.
Binigyan diin niya na nililitis din sa ICC ang crimes against the administration of justice, alinsunod sa Article 70 ng Rome Statute.
Pinuna ni Conti ang “misogynistic comments” laban sa mga kababaihang hukom sa pre-trial chamber na karamiha’y walang basehan at pagtatangka na ikalat ang mga maling impormasyon.
Payo ni Conti sa kanila, pagtuunan ng pansin ang pagtutuwid sa mga maling naratibo gamit ang katotohanan at bagama’t malaking hamon ang buwagin ang troll farms, possible rin ang epektibong pagkontra sa kanila.
Ipinanukala din niya sa mga kritiko ng ICC na tiyaking totoo at patas ang mga pahayag bago ito ikalat. (ROSE NOVENARIO)