Atty. Harry Roque
MALABO pa ang magiging estado ni dating presidential spokesman Harry Roque sa The Netherlands kaya tinanggal siya bilang isa sa mga abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Inanunsyo ni Roque kamakalawa ang planong pag-apply para sa political asylum sa The Netherlands.
āHindi pa kasi na-establish kung ano yung basis ng pag-stay niya dito sa Netherlands and we donāt want complications ba,ā sabi ni Vice President Duterte Sara Duterte sa panayam ng media sa The Hague matapos bisitahin ang kanyang ama sa detention facility.
āGusto namin nakatutok talaga yung lawyers doon sa kaso and right now heās, I heard, applying for asylum? He publicly announced that already, so we want him to focus on his asylum and then we want our lawyers to focus on the case,ā dagdag niya.
Sinabi ni VP Sara noong nakaraang linggo na si Nicholas Kaufman, isang British-Israeli lawyer, ang magsisilbing lead counsel ng kanyang ama at sina Roque at dating executive secretary Salvador Medialdea ang magiging supporting lawyers.
Giit ng bise presidente makaraang makausap ang ama, maghahanap pa siya ng iba pang abogado na makakasama ni Kaufman upang opisyal na makapg-withdraw si Medialdea bilang assistant to counsel.
āUnang-una, his team is headed by Atty. Nicholas Kaufman, and then ā¦ meron pa akong mga kakausapin na mga lawyers āno. Meron pang darating na isang abugado, i-interview ko siya para sumali sa team. And then, once maayos na yung team for ICC, magwi-withdraw si Atty. Medialdea kasi meron lang limited na mga slots for lawyers, and we want all the lawyers on board na merong ICC experience,ā sabi ni VP Sara.
Kaugnay nito, sinabi ni Atty. Joel Butuyan, ICC-accredited lawyer, naghihigpit sa kasalukuyan ang The Netherlands sa pag-aproba ng political asylum applications bunsod ng dagsa ang aplikante mula sa ibaāibang bansa na may mga armadong tunggalian gaya ng Syria at Ukraine. (ROSE NOVENARIO)