Wed. Apr 16th, 2025

Ipinagkatiwala na ng Malacañang sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang responsibilidad sa pag-freeze ng mga ari-arian ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, lalo na kung ito ay hihilingin ng International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, may naihain ng kaso ng plunder laban kay Duterte at Senador Bong Go si dating Sen. Antonio Trillanes IV na dapat sana ay naging dahilan para pag-aralan ng AMLC ang posibilidad ng pag-freeze ng kanilang mga ari-arian noon pa man.

“Tandaan po natin kapag may kaso po ng plunder [isasantabi ko muna po iyong ICC]. Pagdating sa pag-freeze ng assets, mayroon na pong naisampang kaso si Senator Trillanes na plunder laban kay dating Pangulong Duterte at Bong Go, dapat noon pa lang po sana inaral na ng AMLC kung dapat i-freeze dahil ang kaso ay plunder,” paliwanag ni Castro.

“Okay. Kung ito po ay magkakaroon man ng isyu o magbibigay ng order ang ICC, ituturo po natin, ibibigay po natin ito sa AMLC kung kinakailangan po,” dagdag niya.

Binigyang-diin niya na mas mahalaga ang hustisya kaysa isyu kung nakikipagtulungan ba ang gobyerno sa ICC. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *