MAPAPAAGA raw ang paggunita ng Biyernes Santo ng isang opisyal ng Palasyo dahil mawawala raw siya sa puwesto dahil “mantsado” ang pagkatao.
“Bakit naman mantsado, eh ang puti niya?,” bungad na hirit ng clueless na miyembro ng Las Chismosas sa Arlegui.
Batay raw sa imbestigasyon ng mga James Bond ng Palasyo, may nakatagong yaman si Sir mula sa pagsawsaw sa operasyon ng illegal gambling gaya ng online sabong.
“Talaga? Wala sa hitsura ni Sir, para siyang maamong tupa ‘yun pala halimaw,” sabat ng isang miron.
“Hindi pa man nag-iinit ang wetpaks ni Sir sa puwesto, matsusugi agad? Parang may sumpa yang opisina niya, hindi yata nagtatagal ang naluluklok,” napa-krus pa ang clueless na member ng Las Chismosas sa Arlegui.
Ang tanong lang ay kung kaya siyang arborin sa Bossing ng Bayan Mo ng kanyang padrino na mahilig sa numero.
“Nagkaroon ng eskandalo ang mag-BFF kamakailan ngunit parang tumama sila ng jackpot sa lotto dahil natabunan ng isyu sa pag-aresto kay Rodrigo,” nakataas ang kilay ng isang umepal na miron.
CLUE:
Kahit mahilig sa pozo negro ang kanyang kasosyo, naatim ni Sir na makasama ito sa “negosyo.”
“Bakit naman hindi kung utos ito ng kanilang tunay na boss na laging may bitbit na double A batteries,” sigaw ng pamosong Palengkera sa San Miguel.
‘Yun na!