TILA mag-asawang sampal ang dumapo sa pagmumukha ng isang mataas na opisyal ng gobyerno matapos tanggihan ng isang political party ang hirit niyang ‘Statement of Support’ nang mabulgar kamakailan na kasama siya sa mga umano’y nagplano laban sa dati niyang amo.
“Bashed to d max” kasi ang inabot ni Gov’t Exec makaraang madulas ang isa niyang katoto hinggil sa komposisyon ng “Gang of Four PH Edition” na kabilang siya.
Ang siste, isang tauhan ni Gov’t Exec, na masahol pa sa linta kung sumipsip sa kanya, ang nakaisip dumiskarte kung paano ibabangon ang namantsahan daw na imahe ng kanyang amo na kilalang “tigasin.”
“Matuk mo, nag-Anaconda na nga ang amo niya, gusto pa niya ay maglabas ng Statement of Support ang partido nang tinuklaw niya para ipagtanggol siya,” gigil na kuwento ng talakerang miyembro ng Las Chismosas Diliman Chapter.
Hindi pumayag ang partido at sa katunayan ay isinara na nang tuluyan ang pinto kay Gov’t Exec kaya ang ginawa ng tauhan niyang linta ,na may kakambal na bugok na itlog, siya na lang ang nagsulat ng pralala para sa kanyang ‘embattled’ bossing.
Isa pa raw sakit ng ulo ngayon ni Gov’t Exec ay ang pagkalas sa kanilang grupo ng mga maiingay na propagandista.
Ngayon lang napagtanto ng Gov’t Exec na walang sinseridad ang mga ‘mouthpiece’ sa kanilang adbokasiya.
Ginamit lang raw tuntungan ng mga lekat ang “Ask Force” para sa kanilang political ambition at sa pagsampalataya sa dati nilang among mass murderer.
CLUE:
Lumipad patungo sa lupain ng mga Kangaroo ang isang mouthpiece ng Ask Force at wala nang planong bumalik sa bansa sa sama ng loob na nahoyo ang dating amo.
“Hulaan nyo kung ANO ang gagawin ni Gov’t Exec kapag hindi nagapi ang kinamumuhian niyang armadong grupo bago matapos ang termino ng Bossing ng Bayan Mo?” sabat ng epal na miron.
‘Yun na!