Sun. Apr 6th, 2025

TILA mahirap maitaga sa bato ang mga pahayag ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay sa ‘validity’ ng arrest warrant ng International Criminal Court.

Sa panayam sa DWIZ noong Sabado, inamin ni Dela Rosa na walang kuwestiyon sa “validity” ng arrest warrant laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaya isinuko siya sa kustodiya ng ICC.

“We’re not questioning the validity of the warrant because (Duterte) is already in the custody of the ICC,” sabi ni Dela Rosa.

“Otherwise, Duterte should have been released (from detention) and returned to the country if there’s no warrant of arrest. So there’s no question about the validity of the warrant,” dagdag niya.

Ang kuwestiyonable para kay Dela Rosa ay ang pasya ng administrasyong Marcos Jr. na makipagtulungan sa International Criminal Police Organization (Interpol) sa pagpapatupad ng ICC arrest order.

Giit niya, dapat ay tinanggihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, ang hirit ng Interpol na makipagtulungan sa pagsisilbi ng warrant dahil hindi na miyembro ng ICC ang Pilipinas mula pa noong 2019.

Nanindigan si Dela Rosa na mananatili sa kanyang ‘comfort zone’ at hindi susuko kapag lumabas na ang arrest warrant at sumama sa mga awtoridad para sumuko sa kustodiya ng ICC.

Taliwas ito sa mga naunang pahayag niya sa haharapin ang kaso at sasamahan si Duterte hanggang

“Why will I face that warrant when we no longer recognize the ICC? That warrant has no jurisdiction over my person,”aniya.

“If that warrant was issued by the Supreme Court or the local courts, then I will face it. Why will I honor a warrant coming from a foreign entity whose jurisdiction no longer applies to us?”

Idineklara rin niya na , “I will not allow myself to be arrested”pero hindi siya lalabas ng bansa.

“I will not leave my comfort zone,” sabi ni Dela Rosa na hindi tinukoy kung saan ang kanyang ‘comfort zone.”

Taliwas ito sa mga nauna niyang pahayag na susuko siya sa mga awtoridad kaya lumabas ang arrest warrant at hindi siya manlalaban sa mga awtoridad.

Inihayag din niya kamakailan na maaaring manatili siya sa Senado dahil hindi siya puwedeng dakpin doon.

Sa ginanap na imbestigasyon ng Senate Committee on Foreign Relations, nanindigan si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang pag-aresto at pagsuko kay Duterte sa ICCay alinsunod sa nakasaad sa Republic Act No. 9851, o  Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity.

Batay sa Section 17 ng RA 9851, “in the interest of justice, the relevant Philippine authorities may dispense with the investigation or prosecution of a crime punishable under this Act if another court or international tribunal is already conducting the investigation or undertaking the prosecution of such crime.”

“Instead, the authorities may surrender or extradite suspected or accused persons in the Philippines to the appropriate international court, if any, or to another State pursuant to the applicable extradition laws and treaties.”

Sa desisyon ng Korte Suprema noong Hulyo 2021 ay idineklara na nananatili ang hurisdiksyon ng ICC sa mga krimen na naganap habang miyembro pa ng Rome Statute ang Pilipinas, kahit pa umalis na bansa.

Binigyan diin sa pasya na ang pag-alis sa Rome Statute ay hindi nag-aabsuwelto sa isang estado sa mga obligasyong nakasaad bilang naging miyembro.

Partikular na binanggit ng Kataas-taasang HUkuman ang mga nangyaring krimen bago naging epektibo ang pag-alis ng Pilipinas sa hurisdiksyon ng ICC noong Marso 2019.

Ito ay nakasaad din sa Article 127 ng Rome Statute, na nagsasaad na ang pag-alis bilang miyembro ay hindi nakaaapekto sa umuusad na imbestigasyon bago ang ang withdrawal.

Sinabi rin ng Supreme Court na ang withdrawal process ay kailangan nang pagpayag ng Senado, na hindi ginawa ni noo’y Pangulong Duterte. (ROSE NOVENARIO)

 

(ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *