Sun. Oct 6th, 2024
Sarah Lahbati

TUMANGGI raw sumailalim sa drug test si Sarah Lahbati, ayon sa source umano ng veteran showbiz talk show host Cristy Fermin.

Sinabi ni Fermin ito kaugnay sa mga kondisyon ni Richard Gutierrez sa kanyang dating asawa para maisama sa abroad ang kanilang dalawang anak.

Hindi raw kasi pinayagan ni Sarah na makasama sa bakasyon ng Gutierrez family sa Japan ang dalawa nilang anak ni Richard.

Ngunit bnigyan diin ni Fermin na hindi siya sigurado kung may kinalaman ang usapin sa pagbisita ng ina ni Richard na si Annabelle Rama sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay Fermin sa kanyang Showbiz Now Na vlog, muntik nang magsampa ng demanda si Richard laban kay Sarah ngunit pinigllan siya ng kanyang pamilya.

“Dapat noong Lunes ng nakaraang Linggo ay sasampahan na ng demanda ni Richard Gutierrez si Sarah Lahbati pero napigil. Ang sabi ng kanyang abogado, ayon sa aking source, okey na sa akin ito at okey na rin sa Mommy mo pero kausapin mo muna ang buong pamilya mo, na ginawa naman ni Richard,” kuwento umano ng source ni Fermin sa kanya

“Ang unang -unang kumontra ay si Ruffa Gutierrez. Umiiyak si ruffa at ang sabi,”Chard ‘wag na lang, let’s wait for the right time.” kasi 10 yrs old na ngayon si Zion. Alam na raw tumutok sa social media. Nagbabasa na. Alam na ang nagaganap. Nakakawa naman daw ‘yung mga bata. Yun din naman ang sinabi ni Eddie Gutierrez at iba pang mga anak kaya si Annabelle ay nagpahinuhod na. Hintayin na lang raw ang demanding isasampa ni Sarah,” dagdag niya,

Ang balita raw ng kanyang source, ang unang kasong isasampa ni Sarah laban kay Richard ay paglabag sa VAWC o Violence Against Women and Children (VAWC).

May nauna kasing ulat na nananakit daw si Richard, pero nakapaghanda ang kanyang kampong actor na magpapatunay na walang bugbugang naganap.

Sa panayam kay Derek Ramsay kamakailan, itinanggi niya ang ulat na tumakbo sa kanilang bahay ni Ellen Adarna si Sarah na bugbog-sarado ni Richard.

Giit ni Derek, maraming beses nang nakapunta si Sarah sa kanilang bahay dahil kaibigan ito ng kanyang misis ngunit walang insidenteng nagtungo ang aktres na duguan at may mga pasa dahil kung nangyari ito’y tiyak na pupuntahan niya si Richard para kausapin.

Nanawagan si Derek na huwag na silang idamay ni Ellen sa isyu ng mag-asawang Richard at Sarah. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *