TILA takot ang isang kontrobersyal na solon na makalipad ang kanyang pinakaiingatang “manoy” kaya ganoon na lamang ang pagbabantay sa kanya ng bodyguards.
Napadpad ang isang galang miyembro ng Las Chismosas sa 5-star hotel sa Roxas Blvd. at nagulat nang makasabay niya si Mr. Solon sa palikuran.
Kulang na lang raw ay ipahawak ni Mr. Solon ang kanyang “manoy” sa bodyguard habang siya’y tinatawag ng kalikasan.
“Grabe si Mr. Solon ha, tatlo ang nakapalibot sa kanya habang dyumi-jingle sa urinal. Kulang na lang ay ipahawak niya ang kanyang “manoy” sa isa sa kanila hahahaha,” hagalpak ang tawa ng Galang Chismosa.
Imposible aniyang hindi sila makilala ng mga tao dahil markado ng pangalan ni Mr. Solon ang suot nilang kamiseta.
Dahil sa insidenteng ito’y naalala ng Las Chismosas ang isang nagtatapang-tapangan na red-tagger na pati sa paninigarilyo ay mistulang anino na nakasunod sa kanya ang mga bodyguard.
CLUE:
Si Mr. Solon ay kinuyog kamakailan dahil sa pekeng impormasyon na kanyang ipinakalat tungkol sa mapa ng Pilipinas.
Halos isumpa rin siya ng mga manggagawang nagutom ang mga pamilya nang magpasimuno siya sa pagpapasara ng isang bantog na kompanya sa panahon ng pandemya.
“Ngayon na inaasinta niya ang Mataas na Kapulungan, nakikiusap siya para MAKAKOLEKTA ng boto,” sabat nang nakaismid na miron.
‘Yun na!