Sat. Apr 4th, 2026

UMABOT sa mahigit dalawang milyong Pinoy ang walang trabaho o kabuhayan noong Abril 2025 ,ayon sa resulta ng pinakabagong Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority.

Sa isang press briefing noong Biyernes, iniulat ng National Statistician na si Claire Dennis Mapa na ang mga taong walang trabaho, edad 15 pataas, ay bahagyang tumaas sa 2.06 milyon sa ikaapat na buwan ng taon mula sa 1.93 milyon noong Marso 2025.

Ibig sabihin, ang mga taong walang trabaho ay umakyat ng 23,000 mula sa 2.04 milyon noong Abril 2024, ayon sa hepe ng PSA.

“Dumami kasi ang mga kasama sa labor force, labor force participation, so siya ‘yung factor… ‘pag tumataas ang labor force participation, hindi naman lahat na-absorb lahat para maging employed persons,” ayon kay Mapa.

Ang mga kalahok sa labor force ay lumago ng 340,000 mula Abril 2024 at humigit-kumulang 780,000 mula noong Marso 2025 na 49.96 milyon.

Sa 340,000 year-on-year growth sa labor force participation, sinabi ng PSA chief na nasa 317,000 ang naging trabaho habang 23,000 ang hindi na-absorb.

“Despite the slight uptick in unemployment, the Philippine labor market continues to demonstrate resilience amid global headwinds. We remain on track to meet our target unemployment range of 4.4% to 4.7% set under the Philippine Development Plan 2023-2028,” sabi ni Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) officer-in-charge and Undersecretary for Policy and Planning Rosemarie Edillon. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *