Sun. Oct 6th, 2024
INSTAGRAM/SARAH LAHBATI

 

KINOMPIRMA ni Esther Lahbati na nasa co-parenting setup ang kanyang anak na si Sarah Lahbati at mister nitong si Richard Gutierrez sa kanilang mga supling na sina Zion at Kai.

Ang sagot ni Esther sa tanong ng isang follower ng kanilang joint Instagram post ni Sarah kung pre-recorded ang ipinaskil ng aktres na Christmas photo ang nagmistulang giveaway sa totoong estado ng mag-asawa.

“Na kay Sarah sina Zion and Kai. Live na live with the family of Sarah. Co parenting sila ng tatay,” sagot ni Esther sa tanong ng isang @medz0331.

Ginagamit ang terminong co-parenting sa dating mag-asawa o dating magkarelasyon na hindi na nagsasama sa iisang bubong.

Mula pa noong nakaraang buwan umuugong ang balitang hiwalay na ang mag-asawa ngunit tikom ang bibig nina Rixhard at Sarah kahit ang kanilang mga magulang ay tila nagpaparunggitan sa kani-kanilang social media post.

Sa kanyang pinakahuling IG post ay ibinahagi ni Sarah ang mga larawan ng kanilang pagbabakasyong mag-iina sa Panglao, Bohol. (ZIA LUNA)

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *