Fri. Aug 7th, 2026

Kinuwestiyon ni Las Pinas Rep. Mark Anthony Santos ang kahina-hinalang hakbang na ginawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para ilipat agad sa ibang opisina ng ahensiya ang P450 milyon na pondo para sa iba’t ibang proyekto para sa lungsod.

Nagulat si Santos nang malaman niya na isa sa 27 na pinakamalaking proyekto na nakasaad sa dokumento mula sa DPWH ay ang paggawa ng C5 Diversion Road sa Barangay Manuyo Dos sa lungsod na nagkakahalaga ng P140 milyon.

“Ano ba ‘yan, hanggang sa ngayon ba naman ay hindi pa rin tapos ang mga kontrobesyal na proyekto sa C5 Extension. Tapos, ngayon ay may pahabol pang multi-million na pondo para sa diversion road. Walastik naman,” anang mambabatas.

Ayon kay Santos, ang orihinal na implementing agency para sa 27 na proyekto ng gobyerno sa Las Pinas ay ang Las Piñas-Muntinlupa District Engineering Office pero ito ay biglang napunta sa Regional Office-NCR ng DPWH nitong Martes, Hulyo 15.

Ang kautusan para sa paglipat ng ahensya ng DPWH ay pinirmahan ni Loreta Malaluan, DPWH assistant secretary for regional operations, at inaprobahan ni DPWH Secretary Manuel Bonoan.

Isang buwan matapos ang 2025 midterm elections o noong Hunyo 9, 2025, agad sumulat at nag request si district engineer Isabelo C. Baleros, ng Las Piñas-Muntinlupa District Engineering Office, na ilipat ang implementing agency ng 27 infra projects para sa lungsod.

Nagtaka si Santos ay kung bakit inilihim o itinago sa kanila ng mga opiyal ng DPWH, sa pangunguna ni Bonoan, ang paglipat ng P450 million infrastructure funds mula Las Piñas-Muntinlupa District Engineering Office at biglang napunta sa Regional Office-NCR ng DPWH.

Sinabi ni Santos na lalong magagalit ang residente ng Las Pinas, partikular ang  taxpayers, kapag ikinukubli sa publiko ng mga opiyal ng bawat ahensya ng gobyerno ang mga proyekto sa kumunidad na makakatulong sa kanila.

Ang mga proyekto ng DPWH para sa Las Piñas ay nakasaad sa Fiscal Year 2025 General Appropriations Act, o R.A. 12116.

“Ito ba ay isang budget insertion ng mambabatas sa national budget ngayong taon? Sa tingin ko, ang paglaan ng gobyerno ng P140 million na pondo para sa C5 Road ay isang misplaced priority ng DPWH, “paliwanang ni Santos.

Ang Circumferential Road 5 o C-5 ay isang network ng mga kalsada at tulay na bumubuo sa ikalimang beltway ng Metro Manila. May haba na 43.87 kilometro, pinag-uugnay nito ang mga lungsod ng Las Piñas, Parañaque, Pasay, Pasig, Quezon City, Taguig, at Valenzuela.

Si dating Sen. Jamby Madrigal ay nagsampa ng reklamo laban kay noo’y Senate President Manuel Villar, Jr. dahil sa umano’y paggamit ng kanyang posisyon sa kapangyarihan at awtoridad para “maimpluwensyahan ang mga pampublikong opisyal sa paglilipat ng C-5 Road Extension Project na sadyang dumaan sa kanyang mga ari-arian.

May malisya man o wala, si Sen. Villar gumawa umano ng “double insertion” noong 2008 General Appropriations Act (GAA) na isang conflict of interest, ayon kay Madrigal.

Naniniwala rin sa Santos na posibleng may ‘bulong con himas’ na ginawa ang maimpluwensyang politiko sa mga opsiyal ng Las Piñas-Muntinlupa District Engineering Office kaya paspasang nailipat ang P450 million na pondo sa ibang ahensya ng DPWH.

Dahil sa ora-oradang paglipat ng nasabing multi-milyong pondo, malamang na hindi na masimulang gawin ngayong 2025 ang 27 na proyekto para sa Las Pinas na karamihan ay pagpapasaayos at pagpapagawa ng mga multi-purpose building sa mga barangay.

“Back to zero ngayon ang Regional Office-NCR ng DPWH dahil kailangan nilang mag-anunsyo ng panibagong public bidding kung saan ay natapos ng gawin ito ng Las Piñas-Muntinlupa District Engineering Office ang bago pa inilipat ang pondo, “sabi ni Santos.

Binigyan diin ni Santos, hindi siya tutol sa mga proyekto ng gobyerno para sa Las Pinas tulad ng mga pagsasagawa ng mga barangay multi-purpose building basta ito ay nakakatulong at maiangat ang kabuhayan ng taong bayan. (ROSE NOVENARIO)

 

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *