UMALMA ang mga residente ng City of San Jose del Monte, Bulacan sa pahayag ni dating Sen. Cynthia Villar na hindi kumikita ng malaki ang Prime Water na pagmamay-ari ng kanilang pamilya.
Ayon sa IBON Foundation, taliwas sa sinabi ni Villar, higit pa sa doble ang kinita ng Prime Water mula nang palawakin ang operasyon nito sa mahigit 160 distrito at munisipalidad sa buong bansa. Lumago ang netong kita nito mula ₱196 milyon noong 2017 tungo sa ₱1.18 bilyon noong 2023.
Sinabi ni Leo Espelimbergo, pansamantalang tagapagsalita ng Water for the People Network (WPN) at residente ng SJDM, na mula nang magsimula ang Joint Venture Agreement (JVA), naging malabo ang tubig mula sa gripo at lumiit ang suplay—karaniwang lumalabas lamang tuwing oras ng tulog.
Dagdag pa niya, mas malala pa rito ang biglaang pagtaas ng singil sa tubig: mula sa ₱200 kada 10 cubic meters (cu. m.) na minimum consumption at ₱27 kada karagdagang cu. m., naging ₱212 kada 5 cu. m. na minimum consumption at ₱41 kada karagdagang cu. m.
Dahil dito, halos doble ang naging bayarin sa tubig, na hindi na kayang bayaran ng maraming residente ng SJDM—kabilang ang mga magsasaka, informal workers, at maliliit na negosyante.
Umani ng batikos nang ipaskil sa SJDM Newscatcher Facebook page ang pahayag ni Villar.
“Hndi pala kyo kumikita sa amin sa sjdm umalis na kyo nagpapabigat lang kyo samin mahihirap. Para maibalik sa dati sjdm water district. Di kyo kawalan samin lugar.”
“Madam madali Lang solusyon Dyan ndi pala kyo kumikita eh d bitawan nyo na wag Ng patagalin db”
“Huh sinungaling nung tag ulan puro tubig ulan gumagamit ng nanay ko Pati kami sa katitipid namin ng tubig Tas nung nag reading na dios mejo ang laki parin ng bill anong klase yan”
“HINDI PALA KUMIKITA EH BAKIT PINATAGAL NG ILANG TAON ANG PAGPAPAHIRAP SA TAONG BAYAN NG SJDM…”
“Naku Cynthia villar wag ka na mag paliwanag tipid n tipid kyo sa tauhan Kya pla wlng contractor n tumatagal s inyo prime KC d kyo nag bayad sa contractor”
“Wag mo nga kami niloloko. Di kami ipinanganak kninang umaga hahha”
“Good lahat kmi mag papasalamat kung bibitawan nyo na ang prime water lalong naging didsater ang tubig nmin wag kyong masyadong ganid sa kyamaman hindi nyo mdadala sa hukay ang lahat ng yan”
“Binubudol nya ang tao.. Paano d kau kikita.? Naniningil kau mski walang tubig n tumutulo.. Tubo p nga kau.. Ang lugi ung consumer.. Sinusuka n kau. Pahirap s tao” (ROSE NOVENARIO)