Sun. Oct 6th, 2024

GUSTONG makipagbalikan ni Daniel Padilla sa dating nobyang si Kathryn Bernado, ayon kay Cristy Fermin.

Kinakausap umano ng binata ang common friends nila ni Kathryn para tulungan siyang makombinsi ang dalaga na bumalik sa kanya.

“Parang si Daniel Padilla nakikiusap sa kanilang common friends. Hindi na po namin iisa-isahin kung sino-sino ‘yung mga ka-tropa nila. Nilalapitan ni Daniel Padilla para pakiusapan, baka ma-win back pa niya si Kathryn” sabi ni Cristy sa kanyang Showbiz Now Na vlog.

Pero malabo na raw na magbalikan ang KathNiel, ayon kay Cristy, dahil maging common friends ng dating magkasintahan ay hindi na kayang baguhin pa ang desisyon ni Kathryn na tuldukan ang 11 taon nilang relasyon.

Matatandaan binura ni Daniel ang kanyang breakup message para kay Kathryn sa Instagram.

Habang si Kathryn naman ay may caption na “”no looking back, only moving forward’ sa kanyang mga larawan sa Instagram kamakailan na nangangahulugan na ayaw na niyang balikan ang nakaraan. (ZIA LUNA)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *