Sun. Mar 15th, 2026

Napaamin ni Sen. Jinggoy Estrada ang tinaguriang “Queen of Construction” na si Sarah Discaya na  may mga pagkakataon na sumali sa bidding para sa isang kontrata sa Department of Public Works and Highways (DPWH) siyam na construction companies na pagmamay-ari ng kanilang pamilya.

“Mrs. Discaya, may pagkakataon ba na ang siyam na pagmamay-ari ninyong construction companies, sila-sila ay naglalaban-laban sa bidding sa isang kontrata?” tanong ni Estrada kay Discaya sa ginanap na Senate Blue Ribbon Committee hearing sa maanomalyang flood control projects.

“Paminsan-minsan,” sagot ni Discaya.

“That is not a legitimate bidding. Yung siyam nay un na naglalaban-laban para sa isang kontrata, kahit sino ang manalo sa bidding na ‘yun, ikaw ang panalo. Dahil sa iyo lahat iyon, eh, Korek? Tama?” usisa ni Estrada.

“Opo,” napilitang sagot ni Discaya

“Ang tawag po dyan ay bidding-biddingan,” sabi naman ni Sen. Erwin Tulfo. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *