Umiikot daw ang puwet ng isang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) mula mapasama ang kanyang pinamumunuang lugar sa privilege speech ni Sen. Panfilo Lacson.
Habang nakatutok daw sa kasalukuyan ang lahat sa mga maanomalyang flood control projects sa Bulacan, nag-organisa raw ng crisis PR ang DPWH exec bilang paghahanda kapag sa kanyang erya na matutuon ang imbestigasyon.
“Isang dating kawani ng Malakanyang ang inutusan daw ng DPWH exec para kausapin ang mga taga-media na naglalabas ng mga kritikal na ulat sa kanya,” paghahayag ng Las Chismosas member sa JP Laurel Chapter.
Isang independent journo raw na nag-ulat hinggil sa expose ni Lacson ang tinarget na aregluhin ng ex-Palace employee.
Para maging desimulado ang diskarte ng kampo ng DPWH exec, ipinadaan ng ex-Palace employee ang offer ng kanyang amo sa isang katoto niyang Palace employee.
“Lo and behold. Bigo ang misyon ng ex-Palace employee dahil tinanggihan ng independent journo ang alok nilang “name your price” para lamang i-takedown ang kanyang report ukol sa DPWH exec,” kuwento ng miron.
Dahil dito, nagpakalat ng tsika ang kampo ng DPWH exec na sasampahan nila ng cyber libel complaint ang independent journo.
CLUE:
May kaso raw na sexual harassment ang ex-Palace employee kaya nawala sa Malakanyang at napadpad sa kampo ng DPWH exec.
Habang nasa state visit sa Cambodia si Pangulong Ferdinand “Bongbong:” Marcos Jr. ay naging abala pala ang isa sa kanyang mga kasama sa sideline na maging middleman sa damage control department ng DPWH exec.
Number one requirement sa crisis PR ay kailangan magaling maglubid ng kasinungalingan.
‘Yun na!