Sat. Mar 14th, 2026

Ikinokonsidera ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson ang pagbibitiw bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee bunsod ng mga naririnig niyang diskuntento ng ilang kasamahan niya sa partikular sa majority group.

“Kung nagkukulang na ng pagtitiwala ang aking kasamahan, especially kung mas marami sa kanila, hindi na masaya sa pagha-handle sa akin sa blue ribbon, naisip ko na maybe stepping down is an option,”  sabi ni Lacson sa panayam sa DZBB.

“Dahil sa mga naririnig ko na pahiwatig ng aking mga kasamahan eh isa sa mga konsiderasyon ko, mag-move o mag-submit na lang ng aking resignation bilang chairperson at humanap sila ng ibang puwede mag-chairman ng blue ribbon committee,” dagdag niya.

Para kay Lacson, maayos naman ang kanyang paghawak sa komite ngunit sadyang may nangggugulo.

Kung ang dahilan aniya ng pagkadismaya ng kanyang mga kasamahan ay may nababanggit na mga pangalan ng mga senador , gaya nina Sens. Chiz Escudero, Jinggoy Estrada, at Joel Villanieva, ang tingin nila bakit sila pinupuntirya sa imbestigasyon ng komite,  tahasan niyang ipupunto na mali ang nasabing naratibo.

Posible aniyang ihayag niya sa plenaryo ang kanyang resignation bilang chairman ng Blue Ribbon Committee bago mag-recess ang session.

Katuwiran ni Lacson, hindi naman siya ganoon ka-manhid o ganoon kasidhi para manatili bilang chairman ng Blue Ribbon Committee.

Mali aniya ang paratang sa kanya na nagpapa-pogi nang isiwalat niya na halos lahat ng senador ay may insertions o amendments sa 2025 budget.

Ipinaliwanag umano ni Lacson sa kanyang mga kasamahan na wala naman siyang sinabi na mali ang magkaroon ng insertions o amendments sa budget ang senadr bagkus ang mensahe niya ay magdahan-dahaan lamang sila sa ganitong gawain sa 2026 budget dahil naaapektuhan ang ibang programa ng pamahalaan kung kasing laki ng mahigit P100 bilyon na ginawa nila sa 2025 budget.

“Uulitin ko walang masama sa amendment. Ako mismo nag-a-amend. Ang masama sa implemenentasyon ay nakialam ka at humingi  o tumanggap ka ng komisyon, yun ang masama,” ani Lacson.

“Pero the mere fact na nag-amend ka o nag-insert ka, wala pong masama. Constitutional mandate ng senator at congressman.I was only stating a fact na umabot sa mahigit P100 bilyon ang total. Anong masama roon?”

Binigyan diin niya na ang kanyang “passion” ay pangalagaan ang national budget, at ito lang ang kanyang punto.

Ekonomiya aniya ang matatamaan kung mag-a-amend ng budget ng local infrastructure at tatamaan ang ibang priority projects ng pamahalaan. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *