Sat. Mar 14th, 2026

📷: PNA

 

Sinang-ayunan ni Presidential Communications Office acting Secretary Dave Gomez ang opinyon ni Sen. Sherwin Gatchalian na hindi dapat kinontrata ng dating administrasyon ang Department of Public Works and Highways para sa isang proyektong imprastraktura na hindi naman sakop ng pangunahing mandato ng PCO.

“I completely agree with Sen. Gatchalian’s opinion. The previous administration should have not engaged in such a public works project that falls outside our core responsility,” sabi ni Gomez.

Ang pahayag ni Gomez ay bilang tugon sa pagkuwestiyon ni Gatchalian sa P129-M halagang Government Communications Academy sa Bukidnon na proyekto ni dating Communications Secretary Martin Andanar.

Ang misis ni Andanar na si Aleli ay pinsan ni dating DPWH Secretary at ngayo’y Sen. Mark Villar.

Ayon kay Gatchalian, batay sa 2024 Commission on Audit (COA) Report, noong 2019 ay kinontrata ng PCO ang DPWH para sa pagtatayo ng Phase II ng Government Communication Academy sa Bukidnon na nagkakahalaga ng ₱45.7 milyon.

Sa 2020-2023 na ulat ng COA, lumabas ang kahalintulad na proyekto ngunit may ibang halaga – ₱79 milyon. Wala nang nakalaang pondo para dito sa susunod na taon dahil ayon sa PCO napondohan na raw ang natitirang 10% ng konstruksiyon.

“Bakit may communications office ang PCO sa Bukidnon?” tanong ni Gatchalian. Ipinaliwanag ng PCO na ang proyekto, na sinimulan ng nakaraang administrasyon, ay inilaan raw talaga bilang training center para sa mga communication office sa ilalim ng Malacañang at mga kalakip nitong ahensya.

“Gumastos na tayo ng ₱124 milyon at 90% na ang progreso ng konstruksyon.  Kapag hindi pa ito natapos, magiging white elephant na ito,” ani Gatchalian, Chairperson ng Senate Committee on Finance. Kapag natapos na ang proyekto, plano ng PCO na i-donate ang pasilidad sa Northern Bukidnon State College.

Sinabi ni Gomez na ang pag-donate sa gusali sa Northern Bukidnon State College ay isinasapinal na ng PCO.

“The building’s donation to the Northern Bukidnon State College is already being finalized. Maraming mga mag-aaral sa atin state college sa Bukidnon ang makikinabang dito,” wika ni Gomez. (ROSE NOVENARIO)

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *