📷: Vera Files
PAREHONG ‘nagpasasa’ ang mga partidong malapit sa dati at kasalukuyang administrasyon sa pag-iral ng pork barrel sa anyo ng mga flood control projects.
Ayon sa IBON Foundation,ang mga naghaharing partido at mga bilyonaryong partidong pampulitika ang pangunahing nakikinabang sa bilyong pondo ng flood control projects.
‘The ruling parties of any administration and the billionaire political parties who support evert administration are the biggest beneficiaries of pork barrel flood control projects,” anang IBON.
Batay sa datos ng IBON, ang Partido Federal ng Pilipinas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang Lakas party ng dating House Speaker Martin Romualdez ang nakakuha ng pinakamalaking bahagi ng 2,996 proyekto na may kabuuang halagang P177.4 bilyon sa ilalim ng19th Congress.
Katulad ito ng nangyari sa 18th Congress kung saan ang PDP-Laban at Hugpong ng Pagbabago ang nakakuha ng pinakamalaking bahagi ng 954 proyekto na nagkakahalaga ng P44.5 bilyon.
‘The president’s Partido Federal ng Pilipinas and the former House Speaker’s Lakas parties cornered the biggest chunk of 2, 996 projects wortg P177.4 billion in the 19th Congress, in the same way that the then-rulong PDP-Laban and Hugpong ng Pagbabago parties cornered the biggest chunk of 954 projects worth P44.5 billion in the 18th Congress,” sabi ng IBON.
Dagdag pa ng IBON, ang mga bilyonaryong partidong pampulitika gaya ng Nationalist People’s Coalition, National Unity Party, at Nacionalista Party ay palaging bahagi ng tinatawag na “super majority” ng bawat administrasyon.
Sa pinagsamang 18th at 19th Congress, nakasungkit ang tatlong partidong ito ng kabuuang 4,405 proyekto na may halagang P243.3 bilyon.
“The billionaire political parties are always opportunistically part of any administration’s ‘super majority’, the Nationalist People’s Coalition, National Unity Party, and Nacionalista parties together had 4,405 projects worth P243.3 billion in the 18th and 19th Congress.”
Ayon kay Sonny Africa, Executive Director ng IBON Foundation, hHindi ito simpleng alokasyon ng pondo kundi malinaw na indikasyon ng patronage politics na ang mga kaalyado ng administrasyon ang inuuna sa pondo habang ang mga tunay na nangangailangan ay napag-iiwanan.
Binanggit din ng IBON na ang realignment ng flood control budget sa 2026 ay nagpapakita ng selective anti-corruption drive ng administrasyong Marcos Jr., na ang P255.5 bilyon ay inilipat sa mga tinatawag na “soft” pork barrel items* na hindi dumaan sa konsultasyon ng civil society.
Ang mga proyekto aniya ay hindi nakabatay sa pangangailangan ng mga komunidad kundi sa kapritso ng mga makapangyarihang politiko.
Nanawagan ang IBON sa mas mahigpit na transparency at accountability sa paggamit ng pondo ng bayan, lalo na sa mga proyektong may malaking epekto sa kaligtasan at kabuhayan ng mamamayan. (ROSE NOVENARIO)